| Ano
ang Maaari Nating Gawin Tungkol sa Climate Change?
Saan man
tayo naroroon, sa opisina, sa tindahan, sa pabrika, sa loob at labas man
ng ating mga tahanan, sa kalye o sa paaralan, napakarami ng pagkakataon
upang tayo ay makapagtipid ng enerhiya.
Sa trabaho:
• Patayin
ang anumang gamit na de-kuryente kapag hindi kailangang gamitin, tulad
ng mga kompyuter, photocopier, cash register, coffee maker, lalo na sa
magdamag o tuwing Sabado at Linggo na walang pasok;
• Kung ang iyong kompyuter ay mayroong “integrated power management
capabiliites”, tiyakin na ang sistema ay nakaayos sa paggamit nito.
Kapag ang printer at photocopier ay nagtataglay ng “energy-saver
mode”, tiyakin na ito ay gumagana;
• Iwasang gumamit ng “laser printer” para sa burador
(draft) na kopya. Kung maaari, gumamit muna ng ink-jet o dot matrix;
• Magtipid sa papel. Ang paglimbag, photocopying, at faxing ay gumagamit
ng enerhiya. Ang mga electronic na komyunikasyon mula sa e-mail at fax/modems
ay mas mabilis, mas matipid, mas kapakipakinabang at mabuti para sa kalikasan;
• Gamitin ang magkabilang bahagi ng papel. Ito ay makatitipid sa
gastos sa papel at enerhiya, at makababawas din sa mga hibla fiber na
kinakailangan sa paggawa ng papel;
• Gumamit ng niresiklong papel hangga’t maaari;
• Himukin ang mga taong iyong pinaglilingkuran na magsagawa ng isang
programa ng kaalaman na maggaganyak sa mga manggagawa na pagbutihin ang
pagtitipid sa enerhiya sa loob ng inyong pagawaan.
Sa kalsada:
Ang mga
behikulo ay nagpapahirap sa ating kalikasan, sapagkat ang sektor ng transportasyon
ay isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng greenhouse gas emission sa
ating bansa.
Ang pagbawas
sa paggamit ng enerhiya mula sa mga behikulo, kasama na ang mga sasakyang
pampamilya, ay malaking tulong na solusyon sa climate change. Narito ang
ilang mga hakbang upang mabawasan ang paggamit ng enerhiya, gastos sa
pagmentena at pagbuga ng tambutso
• Iwanan
ang sasakyan sa tahanan – maglakad o magbisikleta kapag malapit
lang ang patutunguhan. Para sa malayuang patutunguhan, sumakay ng bus.
Ang mabawasan ng 40 behikulo sa daan kapag rush hours ay makatitipid ng
70,000 litro ng gasolina at makaiiwas sa mahigit na 175 tonelada ng emisyon
sa loob ng isang taon.
• Iwasan ang pag-idling ng sasakyan – ang sampung sandaling
pag-idling ay gumagamit ng higit na maraming enerhiya kaysa pag-istart
ng makina.
• Panatilihin ang bilis ng pagtakbo. Ang pagmamaneho ng may bilis
na 100 kilometro bawat oras ay nagsusunog ng higit na sampung porsyento
kaysa bilis ng 90. Sa mga lansangang bayan, panatilihin ang bilis na walang
pagbabago upang mabawasan ang konsumo.
Sa loob
ng paaralan at kampus
Naging karaniwan
sa mga paaralan at unibersidad ang mga green initiatives magmula noong
dekada 1990. Karamihan sa mga ito ay ipinakilala bilang paraan ng pagtitipid
o dili kaya ay bahagi ng mga programa tungkol sa edukasyong pang-kalikasan,
makatutulong din ang mga ito upang mabawasan ang emissions sa bawat komunidad.
Ilan sa mga uri ng inisyatibo ay:
• Pagtatanim
ng puno
• Mga programa tungkol sa alternatibong transportasyon (pagsasama
sa isang sasakyan; paggamit ng mga sasakyan ng paaralan, atbp.)
• Tamang paggamit ng enerhiya at mga programa tungkol sa alternatibong
enerhiya;
• Mga programa tungkol sa tamang pagbabasura;
• Mga patakaran at kasanayan tungkol sa green purchasing
Sa tahanan
Napakarami
ng ating tunay na magagawa upang mabawasan ang greenhouse gas emissions,
at napakainam na magsimula sa ating mga tahanan. Narito ang ilan sa mga
paraan upang mabawasan ang emissions, maging maaya ang ating mga tahanan
at makatipid na rin sa salapi:
• Patayin
ang mga ilaw, telebisyon, kompyuter at iba pang mga aplayanses kung hindi
ginagamit;
• Parating tingnan ang Energy Efficiency Rating (EER) sa pagbili
ng anumang aplayanses, air-conditioners o behikulo. Mas mataas ang EER,
mas mabuti;
• Gumamit ng energy-eficient na ilawan, tulad ng compact fluorecent
bulbs. Ang mga ito ay tumatagal ng hanggang 10 ulit at kumukunsumo ng
mas mababa (75%) kaysa sa mga karaniwang bumbilya;
• Magkabit ng mababang paliguan, sa kumukunsumo ng mas mababa (60%)
sa tubig kaysa sa karaniwang paliguan. Ayusin ang mga tumutulong gripo.
Sa isang tulo bawat segundo, ang isang tumutulong tubo o gripo ay nagsasayang
ng katumbas na labing-anim na paligo sa isang buwan.
www.emb.gov.ph
|